Sony Xperia Z3 Plus - Mga Widget

background image

Mga Widget

Ang mga widget ay maliliit na application na direkta mong magagamit sa iyong Home

screen. Gumagana rin ang mga ito bilang mga shortcut. Halimbawa, nagbibigay-daan sa

iyo ang widget ng Panahon na makita nang direkta sa iyong Home screen ang

pangunahing impormasyon sa panahon. Kapag tinapik mo ang widget, bubukas ang

buong application na Panahon. Maaari kang mag-download ng mga karagdagang

widget mula sa Google Play™.

Upang magdagdag ng widget sa Home screen

1

Pindutin nang matagal ang anumang bakanteng bahagi ng iyong

Home screen

hanggang sa mag-vibrate ang device, pagkatapos ay tapikin ang

Mga Widget.

2

Hanapin at tapikin ang widget na gusto mong idagdag.

Upang baguhin ang laki ng widget

1

Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay bitawan ang widget. Kung maaaring baguhin ang laki ng widget,

halimbawa, ang widget ng Calendar, may lalabas na na-highlight na frame at mga

dot sa pagbabago ng laki.

2

I-drag ang mga dot paloob o palabas upang paliitin o palawakin ang widget.

3

Upang kumpirmahin ang bagong laki ng widget, tumapik saanman sa

Home

screen.

Upang ilipat ang isang widget

Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ito papunta sa bagong lokasyon.

Upang mag-alis ng widget

Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ito papunta sa

Alisin sa home screen.