Sony Xperia Z3 Plus - Ang application na Video

background image

Ang application na Video

Gamitin ang application na Video para mag-play ng mga pelikula at iba pang nilalamang

video na na-save o na-download mo sa iyong device. Ang application ay nagsisilbi ring

gabay sa programa sa TV na may opsyon na magpakita ng detalyadong impormasyon

ng programa at nauugnay na nilalaman, kabilang ang mga post sa social media tungkol

sa programang gusto mo. Maaari mong gamitin ang application bilang isang ganap na

gumaganang remote control sa iyong mga tumutugmang device sa bahay. Maaari mo

ring i-play ang iyong mga pelikula sa iba pang mga device na nakakonekta sa parehong

network o naka-save sa cloud.

Maaaring hindi nape-play ang ilang video file sa application na Video. Maaaring mag-iba-iba

ang availability ng gabay sa programa sa TV at ng remote control ayon sa market at

nakakonektang device.

1

Tapikin ang para buksan ang menu ng home screen ng Video

2

Tingnan ang program guide

3

I-refresh ang nilalaman

4

Remote control

5

Hanapin ang nilalaman

6

Magpalipat-lipat sa pagitan ng pagtingin ng mga nilalaman ng iyong library, Mga sikat na programa, Mga

On Air na programa, Mga pelikula, Mga serye sa TV, at Mga inirerekumendang programa

7

I-drag ang kaliwang gilid ng screen pakanan upang buksan ang menu, mag-browse ng nilalaman at

ayusin ang mga setting

8

Tapikin ang isang programa upang makakuha ng detalyadong impormasyon at nauugnay na nilalaman

Upang gamitin ang iyong device bilang isang remote control

Upang magamit ang iyong device bilang isang remote control sa iba pang tumutugmang

device sa bahay, kailangan mo munang ipares ang dalawang device. Upang magawa ito,

kailangang nakakonekta ang bawat device sa iisang network. Para sa higit pang

impormasyon sa mga tumutugmang device, bisitahin ang

Listahan ng tumutugmang device

.

130

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang

Video.

2

Tapikin ang upang buksan ang menu ng home screen, pagkatapos ay tapikin

ang

Magdagdag ng device.

3

Piliin ang device sa bahay mula sa listahan.

4

Ipasok ang numero ng pagrehistro sa device sa bahay at sundin ang mga tagubilin

upang tapusin ang pagpapares.

5

Pagkatapos ng tagumpay na pagpapares, lalabas ang icon na para sa function

na remote control. Maaari mo nang gamitin ang iyong device bilang isang ganap

na gumaganang remote control para sa device sa bahay.

Upang palitan ang mga setting

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang

Video.

2

Tapikin ang upang buksan ang menu ng home screen, pagkatapos ay tapikin

ang

Mga setting.

3

Baguhin ang mga setting ayon sa iyong gusto.

Upang mag-play ng video

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang

Video.

2

Hanapin at tapikin ang video na gusto mong i-play. Kung hindi ipinapakita sa

screen ang video, tapikin ang upang buksan ang menu ng home screen,

pagkatapos ay hanapin at tapikin ang video na gusto mong i-play.

3

Upang ipakita o itago ang mga kontrol, tapikin ang screen.

4

Upang i-pause ang pag-play, tapikin ang . Upang ipagpatuloy ang pag-play,

tapikin ang .

5

Upang mag-rewind, i-drag pakaliwa ang marker ng bar ng progreso. Upang i-fast-

forward, i-drag ang marker ng progress bar pakanan.

Upang baguhin ang mga setting ng tunog habang nagpe-play ang isang video

1

Habang nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang mga control.

2

Tapikin ang >

Mga setting ng audio, pagkatapos ay baguhin ang mga setting

ayon sa kagustuhan.

Upang magbahagi ng video

1

Kapag nagpe-play ang isang video, pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang

Ibahagi.

2

Tapikin ang application na gusto mong gamitin para ibahagi ang napiling video,

pagkatapos ay sundin ang mga tagubiling ibinigay.