Sony Xperia Z3 Plus - Pamamahala ng mga accessory

background image

Pamamahala ng mga accessory

Gamitin ang application na Smart Connect™ upang pamahalaan ang isang hanay ng

mga smart accessory na maaari mong ikonekta sa iyong device, kasama ang Xperia™

SmartTags, isang SmartWatch series watch o isang wireless headset mula sa Sony.

Dina-download ng Smart Connect™ ang anumang mga kinakailangang application at

naghahanap din ito ng mga third-party na application kapag available. Lumalabas sa

isang listahan ang mga dating nakakonektang accessory na nagbibigay-daan sa iyong

kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga feature ng bawat accessory.

Upang magpares at magkonekta ng accessory

1

Simulan ang application na Smart Connect™. Kung bubuksan mo ang Smart

Connect™ sa unang pagkakataon, tapikin ang

OK upang isara ang screen ng

introduksyon.

2

Tapikin ang

Accessories, pagkatapos ay tapikin ang .

3

Buksan ang function ng Bluetooth® kung hindi pa ito naka-on, pagkatapos ay

tapikin ang pangalan ng accessory na gusto mong ipares at makakonekta.

4

Kung kailangan, ipasok ang passcode, o ikumpirma ang parehong password sa

iyong device at sa accessory.

Upang i-adjust ang mga setting para sa isang nakakonektang accessory

1

Ipares at ikonekta ang accessory sa iyong device.

2

Simulan ang application na Smart Connect™.

3

Tapikin ang

Accessories, pagkatapos ay tapikin ang pangalan ng nakakonektang

accessory.

4

I-adjust ang mga gustong setting.